Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura
Himagsik Ni Balagtas sa Florante at Laura Unang Himagsik: Himagsik sa Malupit na Pamahalaan Ipinasa ni: Kris Edryll Rebute (8-TUBURAN) Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura dahil sa kanyang napansin na maling mga pamamalakad ng pamahalaang Kastila. Nagmamalupit ang pamahalaang Kastila at ilan sa kanila ay inaabuso ang kapangyarihan upang manlamang sa kaawa-awang mga Pilipino. Inilarawan ni Balagtas ang iba't ibang uri ng mga kalupitan at masamang palakad ng pamahalaang Kastila. Bagaman ang pagsasalaysay ay hindi tiyak na ang mga kalupitan at kasamaan ay naganap, ang mga bagay at pangyayaring nabanggit ay akmang-akma at salamin ng lipunan noon . Ang lahat ng kanyang isinalaysay at inilarawan tulad ng sakdal-sungit na panahon, ang gubat na madilim, mga hayop na mababangis, at walang kasinsukal na lupaing kinaroroonan ay tinawag niyang "kaharian ng Albania" ay wala...