Himagsik ni Balagtas sa Florante at Laura

Himagsik Ni Balagtas sa Florante at Laura
Unang Himagsik: Himagsik sa Malupit na Pamahalaan

Ipinasa ni: Kris Edryll Rebute (8-TUBURAN) 

             Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura dahil sa kanyang napansin na maling mga pamamalakad ng pamahalaang Kastila. Nagmamalupit ang pamahalaang Kastila at ilan sa kanila ay inaabuso ang kapangyarihan upang manlamang sa kaawa-awang mga Pilipino.
             Inilarawan ni Balagtas ang iba't ibang uri ng mga kalupitan at masamang palakad ng pamahalaang Kastila. Bagaman ang pagsasalaysay ay hindi tiyak na ang mga kalupitan at kasamaan ay naganap, ang mga bagay at pangyayaring nabanggit ay akmang-akma at salamin ng lipunan noonAng lahat ng kanyang isinalaysay at inilarawan tulad ng sakdal-sungit na panahon, ang gubat na madilim, mga hayop na mababangis, at walang kasinsukal na lupaing kinaroroonan ay tinawag niyang "kaharian ng Albania" ay walang iba kundi "Pilipinas" at hango sa mga pangyayari sa panahong siya ay nabubuhay pa.
              Sa  Florante at Laura dito inilantad ni Balagtas kung paano pinagmamalupitan at inaapi ng mga Kastila ang kanyang bayang Pilipinas. Ang pagkakalat ang kasamaan sa Kaharian ng Albanya , ang pagtaksil ni Konde Adolfo kay Florante at paggamit niya kay Haring Linceo at Duke Briseo para makuha ang kaharian ng Albanya.
               Upang mailigaw ang bumabása at maligtasan ang pag-uusig, tinawag niyang “kaharian ng Albaniya” ang pinangyarihan. Ngunit ang panga-pangalan ng mga tauhang gumaganap sa dula at awit, ay pawang ngalang Kristiyanong Español,at ang sa mga Moro ay mga pangalang Arabe o Musulmang palasak sa mga nobela at kuwentong Español. Gayon na lámang kasugid sa pagsusuri ng mga aklat at ibá pang babasahíng-bayan ang noo’y umiiral sa Comision Permanente de Censura, na di-súkat malingid sa katalinuhan ni Francisco Balagtas ang lalong maingat na paghahanda ng isang babásahín o awitingbayan, na may mga lihim na tuligsa sa nakatatag na pamahalan, at may itinago o ikinakanlong na mga binhi ng pagpapakilála sa bayan ng tinitiis na mga kaapihan at ng kalupitan ng mga pinunòng sa bayang umaapi. 
                Palibhasa naman noon ay wiling-wili ang mga tao sa pagbábasá ng mga awit at korido, at ito lámang naman ang mga babasahíng naiibá sa mga nobena, trisahiyo, at balanang uri ng mga dasalang tanging pinahihintulutan ng Censura; kayâ idinaan ni Balagtas sa uri at ayos-awit ang pagsasaysay ng kaniyang mga isipang kunwa’y pang-aliw bago’y patuligsa at pasuwail. At dahil sa ang karaniwang naaari lámang paksaín sa mga awit, korido, komedya, duplo, at ibá pang babásahín at panooring-bayan ay búhay at labanan ng mga Kristiyano at Moro, na ang pinangyayariha’y mga ibáng lupa’t ibáng lahi, at kailanma’y hindi naaaring makatukoy ng ukol dito sa ating lupa; kayâ ang kasaysayang pinaksa sa Florante ay búhay rin ng mga Moro’t Kristiyano. Sa gayong paraan ay napakibagayan ang pananabik at pagkawili ng bayan at gayon din ang kaluwagang magpahintulot ng pamahalaan at ng simbahan sa gangganitong uri ng babasahín at paksain. Anupa’t isinunod sa agos ng may-akda ang kaniyang nilunday na Florante at Laura, hábang nag-iiwan sa mga nararaanang pampang ng mga budhi ng mga pataliwás na isipan laban sa mga gipit na kalagayan at sa mga kaugaliang hamak na noo’y umiiral.






Sources: http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/11/Apat-na-Himagsik-ni-Balagtas.pdf
               prezi.com
               brainly.ph
                www.slideshare.net
                

Comments

  1. Wao. Amazing work. Good job! This helped me a lot! Thank you very much!

    ReplyDelete

Post a Comment